Pages

Sunday, June 5, 2011

Ang Aking HanapBuhay

Ako ay isang Call Center Agent. Tagasagot ng tawag ng mga Amerikanong may problema sa isang entertainment device nila (pasensiya na hindi ko ata pwede sabihin dito baka masisante naman ako). Nagto troubleshoot, at kung hindi mo naman na troubleshoot ah magse setup ka na ng repair. Okay ang mga calls kapag in-warranty. Pero kapag out of warranty na, nakow! Maghanda handa ka ng mamura ng slang! Kung hindi naman eh, magpraktis kang makiramay sa customer.

Well, bago pa lang ako sa industriya ng BPO. Pers taym ko rin mag call center. Wala kasi akong kwenta nuon. Buti nga sa edad ko eh qualified pa naman ako sa call center. At aminin na natin na malaki laki ang sweldo kumpara sa ibang 8hour job dito sa Pinas ngayon. Akala ko nga nung una hindi ako matatanggap eh. Buti na lang eh nagtiwala sa akin yung nag final interview. Ang tagal ng training namin grabe. Inabot kami ng 2 months. Pinlantsa ng bongga ang accent ko, Hindi pa rin naman ako ganun kagaling pero in fairness, alam ko nag improve ako.

Nung una nahirapan ako sa schedule. bukod sa hindi ako sanay na lumalabas ng madaling araw eh hindi rin ako sanay ng natutulog sa hapon. Pero kinakaya naman. Naalala ko tuloy yung sabi sa isang TV Commenrcial na "Kakayanin Sir!".

Nanibago ako sa lahat. Magtawag ng Boss, makipag inglisan ng 8 hours per day, manamit ng smart business attire 4days a week. Culture shock talaga!

Pero so far, nag eenjoy na ko sa kanya. Hindi pa ko regular, pero sana maregular. Kasi napatunayan ko lang sa sarili ko na kapag may gusto ka at kailangan mong gawin eh kakayanin mo at kapag nagamay mo na eh mag eenjoy ka na. Before you know it, uwian na, tapos na ang trabaho mo for tha day, bukas naman ulit.

UNANG HIRIT!

Matagal ko ng gustong magkaron ng tagalog na blog. Minsan kasi sumasakit na ulo ko kakaisip ng tamang sentence eh. Kaya eto, gumawa ako ng tagalog blog para naman madali ako makatapos magsulat ng article. Hindi na kasi ako mag iisip kung tama ba ang grammar ko o hindi.

Masaya rin pala, kasi dere deretso ako mag type at wala akong iniintinding wrong spelling at dedma lahat ng redlines dito habang nagta type ako. Pwede pa nga ako maging jejemon dito kung gugustuhin ko. Salamat sa pagbisita dito sana bumalik kayo ulit hehehe. Para naman hindi ko maramdaman na parang kausap ko lang talaga ang sarili ko twing nagsusulat ako dito sa blog na to. Mas maganda din kung paminsan minsan eh may mag koment naman sana at mag iwan ng mensahe para sakin. 

May English akong blog eh, kapag matapang ang utak ko mag English dun ako, pero kapag pagod na, dito na ko magsusulat at ng madali matapos. 

Sa ngayon nag iisip pa ako kung ano magiging niche neto o kagaya na lng din nung isa, walang niche. Kahit ano na lang. Basta may mai she share naman akong may sense sa mga magbabasa. Nakakahiya naman kung walang kwenta mababasa nyo. Diba?

O sa ngayon hanggang dito na lang muna ko at kelangan ko pang gumawa ng about page netong bagong blog na  to.